Ganting Galaw sa mga Teoryang Pampanitikan
Ganting Galaw sa mga Teoryang Pampanitikan
Mga Sumusunod na Teorya
Teoryang Queer
Girl, Boy, Bakla, Tomboy
Ni:
Noel Lapuz
Natutunan:
Isaalang-alang natin ang nararamdaman ng ating kapwa.
Irespeto natin ang ating sarili para irespeto rin tayo ng iba. Huwag tayong
mamili ng kaibigan basi sa kasarian at bawas-bawasan din natin ang pamumuna sa
iba, dapat matuto rin tayong lumugar dahil tayo ang may pinag-aralan.Huwag
nating isipin na pasanin lamang sa mundo ang bakla, tomboy (LGBT) dahil mga
kabataan din sila na pag-asa ng bayan.
May pagkakataon din na mas lalaki pa sa lalaki ang
bakla.
Reaksyon:
Ang kwentong Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Noel Lapuz
ay angkop sa Teoryang Queer. Ang layunin ng Teoryang Queer ay iangat at
pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga Homosexual. Sa kwentong ito ay
ipinakita ang diskriminasyon tungo sa mga Homosexual na para bang wala na
silang karapatan at ang tingin ng ibang tao sa kanila ay mga pasanin lamang ng
bayan. Sa pang aabuso o sa pagtawa lamang natin sa kanila ay hindi natin alam
na nasagasaan na rin pala natin ang kanilang Karapatang Pantao, karamihan pa sa
mga nang aabuso sa kanila ay iyong mga tao pa na may mataas ang pinag-aralan.
Karamihan sa kanila ay hindi naman nila ginusto na maging ganyan sila, may
pagkakataon lang talaga na minsan ay lumalambot ang puso ng isang lalaki at
minsan naman ay tumitigas ang puso ng isang babae. Nawa’y matigil na ang
diskriminasyon sa mga Homosexual sa lipunan kahit wala ang ipinatupad na Bill
18,a proposed law
which combats bullying, protects our children and ensures that our schools are
safe spaces. Sana irespeto rin natin sila dahil tao rin naman sila.
Teoryang Klasisismo
Ang Tondo man ay May Langit din
Ni:
Andres Cristobal Cruz
Natutunan:
Kapag lugar ng Tondo ang ating naririnig ay
sasabihin agad natin na puro gulo lang ang nasa loob nito, may makikita pa rin
tayo na maganda sa lugar na ito siguro ay hindi lang natin agad na mapapansin
dahil mas nangunguna ang ating negatibong pananaw. Para sa mga nagmamahalan
diyan,hindi hadlang ang estado sa buhay para makamit ang tunay na kaligayahan.
Sa mga taong mahilig mang-iwan diyan, hindi lahat ng iyong iniwan ay babalik
ulit sa iyo kung kalian mo gusto, katulad na lang ni Flor na akala niya ay
makukuha niya ulit si Victor ngunit nabigo siya sa pagkakataong ito dahil may
hadlang na. Sa mga taong napanghihinaan ng loob,ipaglaban mo ang taong mahal mo
kahit walang kasiguraduhan na kayo na talaga, katulad ng ginawa ni Victor na
ipinaglaban niya si Alma at ang bait ng Panginoon dahil naging sila talaga at
ikinasal pa.
Reaksyon:
In “Richer and Poorer”, isa sa mga Wedding Vows.
Ang kwentong ito ay tumatalakay sa magkaibang estado ng dalawang taong
nag-iibigan. Katulad nalang ng kwentong ito tungkol kina Victor at Alma na para
bang may magkaibang mundo sa kadahilanan na ngang mayaman si Alma at si Victor
ay mula lamang sa mababang uri sa lipunan. Dahil sa dukha si Victor ay tutol
ang ama ni Alma na maging magkasintahan sila. Ang kwentong Ang Tondo may ay may
langit din ni Andres Cristobal Cruz ay masasabi kung nababagay sa Teoryang
Klasisimo dahil ang Teoryang ito ay ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan. Nababagay din ito dahil ang Teoryang ito ay nagtatapos
lagi nang may kaayusan dahil si Victor at si Alma ay naging magkasintahan at
kalaunay ikinasal sila.
Teoryang Naturalismo
Walang Panginoon
Ni
: Deogracias Rosario
Natutunan:
Huwag ibase sa estado ng buhay ang pakikisama sa
kapwa. Huwag magtanim ng sama ng loob sa kapwa at ipagpasa- Diyos na lang ang
lahat. Ipinakita man sa kwento ang hindi pagkapantay- pantay ng tao sa lipunan
na talamak pa rin hanggang sa kasalukuyan ay sana huwag tayong mawalan ng
pag-asa na umahon din sa kahirapan.
Ang ningas pala ay alab-apoy at hindi luha.
Reaksyon:
Ginamit ni Marcos ang kalabaw para makaganti kay Don Teong mula sa panggigipit nito sa
kanilang pamilya at sa paglabag nito sa kanilang relasyon ni Anita. Sa
pagkakasuwang ni Don Teong ay nakaganti si Marcos na walang nilabag na batas
pati ang Banal na Utos ng Poong Maykapal na huwag Pumatay. Ang kwentong Walang
Panginoon ni Deogracias Rosario ay napapasailalim sa Teoryang Naturalismo kung saan
ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan at ito ang
nag udyok kay Marcos para gantihan si Don Teong. Ipinapakita rin sa Teoryang
ito at sa kwentong ito ang epekto ng kapangitan ng kalagayan ng tao sa lipunan,
katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan na hanggang ngayon ay
namamayagpag pa rin.
Teoryang Realismo
Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino
Ni:
Eros Atalia
Natutunan:
Huwag nating husgahan ang isang tao basi sa kanyang
trabaho dahil may iba na kumakapit lang sa patalim para makaahon sa hirap.Nakakasira
rin ng dignidad ang ginagawang trabaho ni Doray o ito ay nakakasirang puri
lalong-lalo na siya ay babae.Marami namang paraan ang pwedeng gawin para umahon
tayo sa kahirapan. Nasa atin ang desisyon kung anu ang landas na ating
tatahakin.
Hindi malayo sa katotohanan ang inilahad na kwento
dahil sinasalamin nito ang mga tunay na pangyayari sa lipunan magpa hanggang
ngayon.
Reaksyon:
“Kapit sa patalim”, iyan ang talamak sa panahon
ngayon na kahit kaluluwa ay binebenta para mabuhay lamang. Katulad din sa
tauhan sa kwento na si Doray na pati sariling Tilapia ay binebenta niya na
mabuhay lamang siya at ang kanyang mga kapatid. Pati dignidad at prinsipyo ng tao
ay nakakalimutan na kapag kagipitan na ang kumakatok sa ating pintuan.Ang
kwentong Intoy Syokoy ng Kalye Marino ni Eros Atalia ay nababagay sa Teoryang
Realismo dahil ito ay nagpapakita ng mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa
lipunan na magpa hanggang ngayon ay masasaksihan natin na kahit sa mga kalye sa
Maynila ay may mga babaeng nagbebenta ng laman na kung minsan pa ay pang-kape
lang. Masasabi ko rin na nababagay din ang kwentong ito sa Teoryang
Feminismo-Markismo kung saan ipinapakita ng teoryang ito ang iba’t-ibang paraan
ng kababaihan sa pagtugon ng kahirapan. Isang halimbawa na ginagawang pang
madaliang solusyon ng kababaihan ay ang prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na ito ay kasamaan at suliranin ng lipunan.
Katulad na lang ng prostitusyon na ginagawang sideline ni Doray maliban sa
pagbebenta niya ng isda sa palengke, alam nating mali ito ngunit ito lang ang
pwedeng solusyon sa kahirapan ni Doray at maling ginagawa ni Doray ay nagiging
tama na para sa kanya dahil paraan niya ito para mabuhay lang siya at ang
kanayang pamilya.
Teoryang Arkitaypal
Gapo
Ni:
Lualhati Bautista
Natutunan:
Ipaglaban natin ang ating mga karapatan bilang
Pilipino. Sana ay maramdaman din nating mga Pilipino ang nakapaloob sa Parity
Rights na sinasabing ang pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Amerikano.
Sana maiwasan o iwas-iwasan na rin nating mga
Pilipino ang pagtangkilik sa mga gawang dayuhan at tangkilikin na lang ang
gawang atin para tayo ay umunlad at iwas sakit pa. Mamulat din sana tayo sa
katotohanan na ang iba palang mga produkto ng Pilipinas ay pinapatatakan lamang
sa ibang bansa at pag balik dito sa ating bansa ay ang mahal na at halos doble
na ang tubo ng presyo.
Hindi tama
ang ginawa ni Mike na patayin si Steve dahil mas lumala pa mismo ang
sitwasyon.Napag-alaman ko na ang pamagat na “GAPO” ay galing pala sa lugar na
Olongapo kung saan doon naka base ang mga Dayuhang Amerikano.
Reaksyon:
Bagong Presidente, bagong Pag-asa. Sa tulong ng
ating Presidenteng Duterte ay masasabi kung mas lumuwag luwag na ang
pagkakahawak nating mga Pilipino sa mga kamay ng mga Amerikano. Magpa hanggang
ngayon ay parang hindi pa rin natin nakakamit ang ating tunay na kalayaan dahil
bihag pa rin nila tayo mula sa ating Lengguwahe o pananalita na siyang
ginagamit ng nakakaraming mga Pilipino. Pati kanilang kultura ay yinayakap na
rin ng nakakarami. Ang nobelang “Gapo” ni Lualhati Bautista ay nababagay sa
Teoryang Arkitaypal kung saan gumagamit
ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda. Ang ginamit niyang
modelo dito ay ang mga Amerikano, kapag
narinig natin ang salitang Amerikano ay maiisip agad nating mas nakakaangat
sila kaysa sa atin o Superior sila. Ilan pang halimbawa ng simbolo na pwede
nating gamitin para masuri ang elemento ng akdang Arkitaypal ay ang pangalang
Sisa, agad agad nating maiisip na “baliw”, Maria Clara, maiisip agad nating
“mahinhin o di kaya’y di makabasag pinggan”, at iba pang halimbawa ng mga
simbolo.
Teoryang Formalistiko
Sandaang Damit
Ni:
Fanny A. Garcia
Natutunan:
Huwag nating husgahan ang isang tao basi sa kanyang
kasuotan o hitsura at huwag ibase sa hitsura ang pakikipagkaibigan sa kapwa.
Iyong ipinagmamalaki pa lang mga damit ng bata ay
pawang guhit lamang pala at ito ay puro kasinungalingan lamang.Kailanman ay
hindi mabuti ang pagsisinungaling. Tanggapin nating ang katotohanan na tayo ay
mahirap lamang dahil mas mapapahiya ka kapag nalaman din lang nila at ikaw din
ang magiging tampulan ng tukso.Hindi talaga natin maiiwasan kahit na sa
katotohanan na tayong mga tao ay nakakapagsinungaling din dahil sa kahirapan.
Reaksyon:
Naranasan niyo na ba ang apihin ng ibang tao dahil
lamang sa inyong kasuotan? Mahirap maging mahirap kung kaya’y minsan ay
nakakagawa tayo ng bagay na alam nating mali pero ginagawa pa rin natin.
Katulad na lang ng pagsisinungaling, mali ito pero minsan ay kinakailangan
natin itong gawin para na rin sa kapakanan natin. Sana maramdaman niyo ang
bigat na nararamdaman ng batang babae sa kwentong Saandaang Damit ni Fanny
Garcia na siya ay nagsinungaling para magkaroon lamang ng kaibigan. Mali ang
ginawa ng batang babae ngunit ginawa niya lang iyon para sa sarili niyang
kapakanan. Ang kwentong Sandaang Damit ni Fanny Garcia ay nababagay sa teoryang
Arkitaypal, hindi na ito kailangan nang malaliman pang pagsusuri dahil sa
pamagat pa lang ng kwento ay lantaran na agad kung anu ang nakapaloob sa akda. Pukos ng teoryang ito na
iparating ang buong kwento ng deretso at malinaw na paglalahad gamit ang kanyang
tuwirang panitikan na hindi na kinakailangan ng malalimang pagsusuri.
Teoryang Humanismo
Paalam sa pagkabata
Salin
ni: Nazareno D. Bas
Natutunan:
Kailanman ay hindi maganda na pagbuhatan ng kamay
ang ating kapwa lalong lalo na ang ating asawa.Ang isang asawa ay dapat na
minamahal at hindi sinasaktan. Matuto tayong lumimot para hindi mamuhay ng
masalimuot.Magpatawad tayo para makausad din ang ating buhay na walang
hinanakit at hindi makulong sa alaala ng kahapon. Nakakabuti rin na marunong
tayong mag bahagi ng ating problema sa ating kapwa para hindi mabigat sa ating
dibdib.
Sana ay tratuhin din nating tunay na pamilya ang
mga batang hindi kadugo o mga anak sa labas lamang. Hindi naman nakabasi sa
dugo ang pagmamahal mo sa isang bata kun’di sa puso niya.
Reaksyon:
May pagkakataon bang minsan ay tinatanong niyo ang
inyong sarili bakit tayo nabubuhay sa mundong ito? Bakit tayo mahirap?Bakit
sila mayaman? Mga tanong na nagsimula mula noong tayo ay nagkamalay sa mundong
ito. Katulad natin na maraming tanong sa mundo ay may isa ring bata na maraming
tanong sa kanyang pagkabata. Bakit palaging umiiyak ang nanay?Bakit si ama ay
naghihinagpis at tila nanunumbat na nakatingin sa akin? Mga tanong na hindi
niya masasagot dahil bata pa raw siya. Itong mga tanong na ito ay nagmula sa
akdang Paalam sa Pagkabata na isinalin ni Nazareno D. Bas sa Filipino.Paalam sa
Pagkabata dahil kailanman ay hindi naranasan ng bata ang maging isang bata na
paglalaro lang ang kanyang iisipin,wala siyang ibang inisip kundi ang mga tagpo
sa kanilang bahay na hindi niya maipaliwanag. Ang akdang ito ay napapabilang
Teoryang Humanismo sapagkat ito ay nagbibigay halaga sa dignidad ng tao
kabilang nito ang kanyang isip at damdamin.
Teoryang Ekspresyunismo
“Caregiver”
Ni:
Chito S. Ronio
Natutunan:
Maging kuntento na sa buhay, guro ka na nga at may
sweldo na rin, maging kuntento na at huwag nang maghangad ng mataas na sahod
dahil naiiwanan din natin ang ating pamilya at nalalayo ang loob sa kanila.Huwag
magpapa dalos-dalos ng desisyon sa buhay. Expectation Vs. Reality (akala ni
Sarah na ang trabaho ng kanyang asawang si Teddy ay nurse sa London iyon pala
ng dumating siya roon ay napag-alaman niya na “Caregiver” lang pala ito at
hindi nurse). Huwag babaan ng tingin ang
mga “Caregivers” dahil trabaho rin naman ito na marangal.
Napag-alaman ko na may Teoryang Ekspresyunismo
pala.
Reaksyon:
Mga ugaling tao na kailanman ay hindi marunong
makuntento at palaging nag-aasam ng higit pa sa mundo. Mga kakulangan na maasam
naman natin kahit hindi tayo lilisan. “Caregiver” ni Chito Ronio na tumatalakay
sa isang Pilipina na hindi naging kuntento sa kanyang propesyon dito sa
Pilipinas at nangibang bansa pa. Karamihan sa atin ay may pag-iisip din na
ganito dahil alam natin na mas malaki ang kapalit ng Dolyares kaysa sa Peso.
Mapansin din natin sa pelikula o akdang ito na ang mga salita ay mga simple
lamang at hindi mo na kailangan ng malalimang pag-iisip kung anu ang nais
niyang ipabatid. Hindi man ito kailangan ng malalimang pag-iisip pero tagos
naman sa buto ang mga linyang ginagamit dito at mapupukaw talaga ang iyong
damdamin. Dahil sa mga simpleng salita na mapapansin, ito ay napapabilang sa
Teoryang Ekspresyunismo. Teoryang Ekspresyunismo rin dahil ito ay nakatuon sa pagpapahayag
ng may-akda sa kanyang nadarama at kaisipan.
Teoryang Markismo
Sandaang Damit
Ni:
Fanny A. Garcia
Natutunan:
Huwag mawalan ng pag-asa, ang lahat ng nangyayari
ay mga pagsubok lamang.Kailanman ay hindi maganda ang magsinungaling dahil ang
katotohanan kahit daganan mo pa ng malaking bato ay lulutang at lulutang pa rin
iyan. Magpakatotoo pa rin sa kabila ng lahat ng pinagdadaraanan sa buhay.
Hindi lahat ng resulta ng pagsisinungaling ay
masama. Alam natin na masama ito pero may sitwasyon pa rin na ang
pagsisinungaling ay may mabuting naidudulot din.Ilagay din natin ang ating
sarili sa totoong sitwasyon at huwag agad-agad na husgahan ang tao.
Reaksyon:
Teoryang Markismo, ang layunin ng teoryang ito ay ipakita rito ang kakayahan
ng tao na umangat sa buhay mula sa kalugmukan at ito ay magsilbing modelo para
sa mga mambabasa. Para sa aking sariling pananaw ay hindi angkop ang kwentong
napili sapagkat ang ginamit na paraan ng tauhan para siya ay magkaroon ng kaibigan
ay ang pagsisinungaling. Hindi ito kaaya-ayang gawin bilang isang modelo
sapagkat alam naman nating mali ang magsinungaling. Maraming paraang marangal
ang pwedeng gawin para tayo ay magkaroon ng kaibigan. Kailangan lang nating
magpakatotoo sa ating sarili at huwag mawalan ng pag-asa sa buhay. Sana ay
nakapaglahad pa ng kwentong nababagay sa Teoryang Markismo.
Teoryang Feminismo
Nanay Masang sa Calabarzon
Ni:
Sol F. Juvida
Natutunan:
Huwag maging sakim lalong lalo na iyong mga taong
napapasailalim sa kapangyarihan ng gobyerno na ginagamit nila ang kanilang
posisyon o kapangyarihan para daigin ang mga tao lalong lalo na iyong mga
mahihirap.
Huwag maliitin ang tingin sa mga kababaihan dahil
kung anu ang kaya ng kalalakihan ay kaya rin naming mga kababaihan.Sana maging
pantay na ang pagtingin ng lahat sa kababaihan at kalalakihan at sana pati na
rin sa dumaraming populasyon ng LGBT sa lipunan.
Reaksyon:
“Kung kaya ng mga lalaki kaya rin ng mga babae”.
Katulad ni Gabriela Silang na isang mandirigmang Pilipina. Hindi hadlang ang
kanyang pagkababae para mag bulag-bulagan sa mga nangyayari sa lipunan noong
unang panahon. Katulad din ni Nanay Masang at Teresita Alvarez na hindi hadlang
ang kanilang pagiging babae para ipaglaban ang kanilang karapatan sa kanilang
lupang sinasaka. Sila ay nakipaglaban sa Panginoong Maylupa at sa Gobyerno para
tutulan ang Project CALABARZON. Sa ipinakitang katapangan ng mga kababaihan sa
akdang ito ay mahihinuha agad natin na ito ay Teoryang Feminismo. Ang Teoryang
Feminismo ay nagpapakita ng kalakasan at kakayahan ng babae na mamuno at
ipagtanggol ang kanilang karapatan. Ang nais ding ipaabot ng Teoryang Feminismo
ay iangat ang pagtingin sa mga kababaihan sa ating lipunan. Kaming mga kababaihan
ay hindi lang pambahay at pagpapaganda lang ang alam. May ibang kakaihan din
diyan na sila ang bumubuhay sa kanilang pamilya imbes na ang mga kalalakihan.
Sa madaling sabi, mahihinuha mo agad na ito ay Teoryang Feminismo sapagkat
kababaihan o babae ang pinakasentro ng akda.
Teoryang Bayograpikal
Mga ala-ala ng Isang mag-aaral sa Maynila
Ni:
P. Jacinto
Natutunan:
Napag-alaman ko na ang salin pala sa Filipino ng
“Memoria De Un Estudiante De Manila” ay “Mga ala-ala ng isang mag-aaral sa
Maynila”.
Nakaka “inspire” ang talaarawan ni Jose Rizal dahil
hindi lamang siya nakuntento sa limitadong kaalaman at sumubok pa ng ibang
kaalaman kahit wala pang kasiguraduhan.Natutunan ko rin na hindi lang pala sa
literatura lang magaling ang ating Pambansang Bayani kundi pati rin pala sa
Agham. Sa kanyang katalinuhan ay pinangalanan pa niya ang tatlong insekto
alinsunod sa kanyang apilyido.
Ang
tunay na nagmamahal sa isang tao ay papalayain mo siya kahit masasaktan kayong
dalawa. Mas magandang bitawan na lang siya dahil alam mong mas sasaya siya sa
piling ng iba katulad ng ginawa ni Rizal na pakawalan na lang si Segunda
Katigbak. Ito ang aking natutunanan sa talaarawan ni Rizal. Sa akdang ito ay
mababatid ko ang kahalagahan ng talaarawan, dito natin maisusulat ang lahat ng
pangyayari sa ating buhay araw-araw.
Reaksyon:
“Mga Ala-ala ng Isang mag-aaral sa Maynila”, ito ay
talaarawan ng ating Pambansang bayani. Dito nakasulat ang mga pangyayari sa
buhay ni Rizal mula pagkabata at noong nag-aaral na siya. Lahat ng mga
magaganda at masasayang araw sa buhay ni Rizal ay mababasa natin sa talaarawan
niyang ito. Lahat din ng mga taong nakasama niya noong pagkabata at nag-aaral
siya ay makikilala mo dito lalong lalo na ang unang kabiguan sa pag-ibig ni
Rizal na si Segunda Katigbak, ang babaeng lihim niyang iniibig at umibig din sa
kaniya ngunit huli na ang lahat dahil ito ay ikakasal na pala sa iba. Ang
akdang ito ay napapabilang sa Teoryang Bayograpikal dahil ang manunulat ay
nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang
paligid. Ang lahat ng tungkol kay Rizal, karanasan at nasaksihan niya sa
kanyang paligid ay nakasulat dito kaya masasabi kung napapabilang ito sa
Bayograpikal.
Teoryang Imahismo
Ang Riles sa Tiyan ni Tatay
Ni:
Eugene Y. Vasco
Natutunan:
Ipinagmamalaki ko ang aking ama kahit
hindi man siya tulad ng ibang ama diyan na mataas ang pinag-aralan ay hindi
naman namin naranasan ang magutom kahit kailan at lahat ng aming kailangan ay
nabibibigay naman nila ni nanay sa abot lang ng kanilang makakaya.
Ang nasabi palang Riles sa Tiyan ni
tatay ay piklat pala iyon mula sa pagbebenta niya ng isang bato para maitawid
sa hirap ang kanyang pamilya,lamang loob na lang ang naisipang solusyon ng ama
sa kwento dahil sa tingin niya ay ito ang pinakamadaling paraan o solusyon.
Ang balat
pala ay nagsisilbing imahe ng pagkamatiisin ng isang Pilipinong ama na handa
siyang magsakripisyo para lang sa kanyang pamilya.
Reaksyon:
Talamak na nga ang kahirapan sa lipunan
natin ngayon. Akala ko ay pagbebenta lang ng kaluluwa ang ginagawa ng mga tao
ngayon iyon pala ay pati na rin sariling laman o organ ay ginagawa na rin para
ipagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa buhay. Katulad ng dakilang ama sa
kwentong ito na ibenenta niya ang isa niyang bato o kidney para lang sa kanyang
pamilya at lalong-lalo na sa kanyang mga anak. Ang bato o kidney ng ama ang
ginamit na simbolo sa kwento at sa imahen na ginamit ay higit na mas naipahayag
ang damdamin, saloobin, kaisipan at ideya at ang iba pang nais ibahagi ng may
akda. Sa imahen na ginamit ay nahinuha ko na ito ay napapabilang sa Teoryang
Imahismo at ito ay nababagay dahil sa simbolong ginamit.
Comments
Post a Comment